FATHERS LOVE LETTER .COM
  • Home
  • About
    • About
    • Contact
    • Copyright
    • Donate
    • FAQ
    • Our Vision
    • Our Websites
    • Privacy Policy
    • Terms of use
    • The Story
    • What We Believe
  • Media Formats
    • Media Center
    • HD Video
    • 25th Anniversary Video
    • Vertical Video
    • Video History
    • Stores
    • Text
    • Audio
    • Kids FLL
  • Languages
  • God and You
  • FLL Book
    • Devotional Index
    • Free Audiobook
    • Free eBook

Tagalog
Father's Love Letter

The Tagalog Father's Love Letter is currently available
in the following formats:
1. A narration video version
2. An A4 single page PDF
3. An 8 1/2" x 11" single page PDF
4. An unformatted online text version
(Please feel free to copy the Tagalog text and design your own version).

Tagalog Father's Love Letter Video


Tagalog Father's Love Letter PDF Text Files

*Important Notice when printing:
When printing pdfs, make sure you set the 'page scaling' option to 'none in your printer settings '.
Picture
Tagalog Father's Love Letter A4 PDF
Right click to download / Left click to view online
DOWNLOAD tagalog FLL A4 PDF
Picture
Tagalog Father's Love Letter 8.5x11 PDF
Right click to download / Left click to view online
DOWNLOAD tagalog FLL 8.5 x 11  PDF

Tagalog Father's Love Letter
NG LOVE LETTER NG AMA

Aking Anak

Marahil hindi mo Ako kilala, subalit batid ko ang lahat tungkol sa iyo.
Awit 139:1

Batid ko kapag ika'y nakaupo at kapag ika'y nakatindig.
Awit 139:2

Batid ko ang lahat ng gawain mo.
Awit 139:3

Maging ang mga buhok mo sa ulo ay aking nabibilang.
Mateo 10:29-31

Pagkat ika'y nilikha sa aking wangis.
Genesis 1:27

Sa akin ika'y buhay, nakakakilos at ganap.
Gawa 17:28

Pagkat ika'y nagbuhat sa akin.
Gawa 17:28

Kilala na kita bago ka pa ipinaglihi.
Jeremias 1:4-5

Hinirang na kita nang balakin ko ang paglikha.
Efeso 1:11-12

Hindi ka isang pagkakamali, pagkat lahat ng araw mo'y nakatitik sa aking aklat.
Awit 139:15-16

Aking itinakda ang panahon ng 'yong pagsilang at saan ka mananahan.
Gawa 17:26

Buong ingat at buong inam kitang nilikha.
 Awit 139:14

Aking hinugis ang lahat mong sangkap sa sinapupunan ng 'yong ina.
Awit 139:13

At iniluwal ka sa araw ng 'yong pagsilang.
Awit 71:6

Ako'y di wastong pinakilala ng mga hindi nakakikilala sa akin.
Juan 8:41-44

Hindi Ako malayo ni galit, sa halip Ako'y ganap na kapahayagan ng pag-ibig.
1 Juan 4:16

At nasa 'kong puspusin kita ng aking pag-ibig.
1 Juan 3:1

Dahil ika'y aking anak at Ako ang iyong ama.
1 Juan 3:1

Aking ihahandog sa iyo ang higit pa sa maaaring ibigay ng iyong ama.
Mateo 7:11

Dahil Ako ang ganap na ama.
Mateo 5:48

Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinatanggap ay galing sa aking kamay.
Santiago 1:17

Pagkat Ako ang nagkakaloob at katatagpuin ko ang lahat ng iyong pangangailangan.
Mateo 6:31-33

Aking plano para sa iyong kinabukasan ay laging puspos ng pag-asa.
Jeremias 29:11

Pagkat ika'y mahal ko ng walang hanggang pag-ibig.
Jeremias 31:3

Ang aking isipan patungkol sa iyo ay sindami ng buhangin sa dalampasigan.
Awit 139:17-18

At Ako'y masayang aawit sa iyo ng may kagalakan.
Sofonias 3:17

Ako'y di titigil sa paggawa ng mabuti sa'yo.
Jeremias 32:40

Dahil ikaw ang aking pinakamamahal na kayamanan.
Exodo 19:5

Aking nais na patatagin ka ng buong puso't kaluluwa ko.
Jeremias 32:41

At nais kong ipahayag sa iyo ang mga dakila't mahihiwagang bagay.
Jeremias 33:3

Kung Ako'y buong puso mong hahanapin, Ako'y iyong masusumpungan.
Deuteronomio 4:29

Hanapin mo sa akin ang iyong kaligahayan at aking ibibigay ang mga naisin ng iyong puso.

Awit 37:4

Pagkat Ako ang nagbigay ng iyong mga naisin.
Filipos 2:13

Ako'y makagagawa ng higit sa iyong iniisip.
Efeso 3:20

Dahil Ako ang iyong dakilang mang-aaliw.
2 Tesalonica 2:16-17

Ako din ang Ama na aaliw sa iyo sa lahat ng kapighatian.
2 Corinto 1:3-4

Kapag ika'y bigo, Ako'y malapit sa iyo.
Awit 34:18

Tulad ng pagkanlong ng pastol sa isang tupa, Kinanlong kita palapit sa aking puso.
Isaias 40:11

Isang araw papahirin ko ang bawat luha sa iyong mga mata.
Pahayag 21:3-4

At aking papawiin ang lahat ng hirap na iyong dinanas sa mundong ito.
Pahayag 21:3-4

Ako ang iyong Ama, at iniibig kita gaya ng aking pag-ibig sa aking anak na si Jesus.
Juan 17:23

Pagkat kay Jesus, ang pag-ibig ko sa iyo ay nahayag.
Juan 17:26

Siya ang ganap na sinag ng aking pagka Diyos.
Hebreo 1:3

Siya ay dumating upang ipakita na Ako ay panig sa iyo, at hindi laban sa iyo.
Roma 8:31

At upang sabihin sa iyo na hindi ko binibilang ang iyong mga kasalanan.
2 Corinto 5:18-19

Si Jesus ay namatay upang ikaw at Ako ay magkasundo.
2 Corinto 5:18-19

Ang kanyang kamatayan ay naging ganap na kapahayagan na ng aking pag-ibig sa iyo.
1 Juan 4:10

Aking ipinagkaloob ang lahat ng aking iniibig upang makamit ang iyong pag-ibig.
Roma 8:31-32

Kung iyong tatanggapin ang kaloob ng aking anak na si Jesus, tinanggap mo rin Ako.
1 Juan 2:23

At wala nang makapaghihiwalay sa iyo sa aking pag-ibig.
Roma 8:38-39

Umuwi ka na sa akin at Ako'y magpapahanda ng pinakamalaking handaan na mangyayari sa langit.
Lucas 15:7

Ako ang Ama sa pasimula pa, at palaging magiging Ama.
Efeso 3:14-15

Ang tanong ay… Maaari ba kitang maging anak?
Juan 1:12-13

Ako ay naghihintay sa iyo…
Lucas 15:11-32

Nagmamahal, Iyong Tatay
Makapangyarihang Diyos
ACKNOWLEDGEMENTS:
Special thanks to Luther Jeremiah G. Oconer for translating the Father's Love Letter into Tagalog.
Please feel free to copy and share all of the resources on this page as long as you do so free of charge.

About Us

About
The Story
Copyright

Get Involved

FAQ
Terms of Use
Our Websites

Connect

Contact
Privacy Policy
Donate
© COPYRIGHT 2025. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home
  • About
    • About
    • Contact
    • Copyright
    • Donate
    • FAQ
    • Our Vision
    • Our Websites
    • Privacy Policy
    • Terms of use
    • The Story
    • What We Believe
  • Media Formats
    • Media Center
    • HD Video
    • 25th Anniversary Video
    • Vertical Video
    • Video History
    • Stores
    • Text
    • Audio
    • Kids FLL
  • Languages
  • God and You
  • FLL Book
    • Devotional Index
    • Free Audiobook
    • Free eBook